Nagpaabot ng tulong na nagkakahalaga ng $5,000 ang American YouTuber na si Ms. Rachel para makatulong sa isang batang Pilipino na may sakit.
Sa post ng netizen na si Daisy sa Threads, ibinahagi niya ang video ng kaniyang anak na kinagigiliwan si Ms. Rachel at masayang kumakanta ng “I Love a Rainbow.”
Kasabay nito, humingi siya ng tulong para sa kaniyang anak na na-diagnose na may omphalocele.
Nakita ni Ms. Rachel ang post at sinabing siya na ang sasagot sa buong halaga ng fundraiser. Makikita rin sa GoGetFunding ang $5,000 na donation ng YouTuber.
Nagpasalamat naman si Daisy sa tulong na natanggap ng kanilang pamilya.



