Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Department of Agriculture (DA) dahil sa mabagal na pamamahagi ng tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong “Kristine” noong nakaraang taon.
Ayon sa COA, nasa ₱179 milyon na Quick Response Fund (QRF) ang inilaan sa DA Bicol para sa mga kagamitang pang-agrikultura, ngunit karamihan sa mga ito ay hindi pa naipamahagi sa mga benepisyaryo.
Ipinaliwanag ng DA Bicol na isinabay ang pamamahagi sa panahon ng pagtatanim. Gayunman, iginiit ng COA na ang naturang pondo ay dapat agad gamitin para sa pagtulong at pagbangon ng mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.
📷: PCG Bicol


