“Not entirely accurate.”
Hinimok ni Senator-judge Raffy Tulfo si Senate impeachment court presiding officer Chiz Escudero na maglabas ng warning laban sa spokesperson ng impeachment court na si Atty. Regie Tongol kaugnay ng pahayag nito tungkol sa posibleng petsa ng paglabas ng final verdict sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Tulfo, maaaring magmukhang prejudged ang magiging resulta ng paglilitis matapos sabihin ni Tongol na posibleng magkaroon ng final verdict sa Disyembre 16.
Nilinaw naman ni Escudero na hindi ito tama at ang anumang timetable na lumabas ay nakabatay lamang sa pre-trial order.


