Nasawi ang isang 80-anyos na babae matapos mabangga ng pulang pick-up habang tumatawid sa pedestrian lane sa Barangay Concepcion Grande, Naga City ngayong Lunes ng umaga, Oktubre 5.
Sa paunang ulat, tumatawid ang biktima para sumakay ng jeep papuntang Naga City nang mabangga ng pick-up na biyaheng Pili, Camarines Sur.
Ang driver ay isang 44-anyos na babae na residente ng Barangay San Felipe, Naga City. Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. | via Michael Gravito
📷: Frank Sotero


