Pinaalalahanan ni presiding officer Sen. Francis Escudero ang lahat na manatiling nakatuon sa kanilang tungkulin at huwag magpadala sa anumang pagtatalo o galit habang nagpapatuloy ang paglilitis sa kaso ni Vice President Sara Duterte.
“Hindi tayo puwedeng mawalan ng loob sa ating ginagampanang tungkulin, hindi tayo puwedeng pumatol at dapat ipawalang bahala na lamang anumang pag-aalburoto, anumang pagsasalita, anumang tanim na galit na nilalabas ninoman sa husgado at sa hukumang ito. We will be focused on our job at hand,” saad ni Escudero.

