Hinimok ng Senado ang mga dumadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na inaantok na sa bahay na lamang panoorin ang mga pagdinig sa halip na matulog sa loob ng session hall.
Hindi umano magandang tingnan ang pagdalo sa impeachment proceedings kung matutulog lamang habang isinasagawa ang paglilitis.
Kasunod ito ng pagsita ni presiding officer Chiz Escudero kay Manila Rep. Benny Abante dahil sa tila pag-idlip habang nagbibigay ng testimonya ang isang witness.
Samantala, hiniling ng House prosecution team sa publiko na unawain si Abante. Nag-post din si senator-judge Ping Lacson ng larawan ni Abante habang natutulog at nagbiro tungkol dito.


