Labing-apat ang sakay ng isang jeep na tinangay ng malakas na agos habang tumatawid sa Paninsingin Spillway sa Barangay Colongan, Rosario, Batangas noong Sabado ng hapon.
Galing Taysan ang mga sakay at patungo sana sa isang poultry farm sa Rosario nang tangayin ng rumaragasang tubig ang kanilang sasakyan.
Labindalawa ang nakaligtas sa insidente, habang isang 40-anyos na babae ang natagpuang patay matapos maipit sa mga bato sa Paninsingin River.
Nawawala naman ang asawa ng biktimang babae na kabilang din sa mga sakay ng sasakyan.
Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa lalaki habang isinasagawa ang retrieval at search operation sa lugar.
Kabilang sa operasyon ang Philippine Coast Guard, pulisya, Bureau of Fire Protection, Philippine Army, MDRRMO at mga lokal na opisyal. | via Jim Tejano
Video Courtesy: Konsehal Joey Galicha


