Natagpuan ang mga bangkay ng isang lalaki at isang babae sa magkahiwalay na bahagi ng Tarlac River sa Tarlac City nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Kinilala ang lalaki na isang 86-anyos na residente ng Barangay San Vicente na iniulat na nawawala ng kaniyang pamilya noong Setyembre 23.
Ayon sa Tarlac City Police, posible umanong tumawid sa ilog ang biktima upang pumunta sa kabilang barangay. Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Samantala, natagpuan din ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang babae sa Barangay Salapungan. Pinaniniwalaang nalunod ang babae, ngunit patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
📷: Tarlac City Police
