Nakakuha ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng panibagong freeze order mula sa Court of Appeals (CA) laban sa mahigit 100 financial account at iba pang ari-arian.
Konektado umano ang mga ito sa isang mambabatas, ilang grupo at indibidwal na iniuugnay sa maanomalyang flood control projects.
Saklaw ng kautusan ang 86 bank account, apat na investment account, isang insurance policy at 25 virtual asset wallet, kabilang ang mga ginagamit sa cryptocurrency.
Ayon sa AMLC, pansamantalang ipinagbabawal ng freeze order ang pag-withdraw, paglilipat o paggamit sa mga ari-arian habang iniimbestigahan ang posibleng kaugnayan ng mga ito sa ilegal na aktibidad.



