Naaresto ang 200 katao, kabilang ang ilang Chinese national sa Brgy. Kimos, Siay, Zamboanga Sibugay, kaninang madaling araw, Oktubre 2.
Nasamsam din ng mga awtoridad ang nasa 2,000 cellphone, kasama ang maraming laptop at desktop computer na pinaniniwalaang ginagamit sa operasyon umano’y online fraud at human trafficking.
Patuloy na sinusuri ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang mga nakuhang ebidensya at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga naaresto.
Tiniyak naman ng mga awtoridad na mabibigyan ng tulong at pangangalaga ang mga matutukoy na biktima ng human trafficking. | via Ely Dumaboc
📷: 1st Infantry Division



