Isa nang ganap na Severe Tropical Storm ang Bagyong Choi-Wan at huli itong namataan sa layong 2,495 km silangan ng Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, patuloy itong kikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Hindi ito papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngunit ang trough ng bagyo ay patuloy na magpapaulan sa Visayas at Mindanao.
📷: PAGASA


