Nangako si Elon Musk na magbibigay ng tig-dalawang shares ng SpaceX sa bawat bata sa United States, na nagkakahalaga ng tinatayang $18 bilyon sa kabuuan.
Ayon kay Musk, isang share ang manggagaling sa SpaceX at isa naman mula sa kaniya mismo. Ililipat ang shares ng kumpanya sa susunod na buwan, habang ang personal niyang bahagi ay ibibigay sa Hunyo 2027, matapos mag-expire ang kaniyang lockup period.
Bahagi ito ng programang Trump Accounts na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga batang Amerikano na magkaroon ng bahagi sa stock market at makapagsimulang mag-ipon para sa kanilang kinabukasan.
📸 Reuters



