Kinasuhan ng isang grand jury sa California ang ama ni Meghan Markle na si Thomas Markle ng two counts of possession of child pornography.
Ayon sa indictment, nakitaan umano si Markle, 82-anyos, ng mga larawang nagpapakita ng pang-aabuso sa mga bata, kabilang ang isang larawang kinasasangkutan ng menor de edad.
Nasa kustodiya na siya sa Florida matapos tanggalin ang ankle monitor na bahagi ng kondisyon ng kaniyang house arrest. Inaasahan siyang haharap sa arraignment sa United States District Court sa Los Angeles sa mga susunod na linggo.
Ayon sa prosecution, nakumpiska ng FBI ang mga larawan mula sa mga film negative, slide at libro, kabilang ang mga materyales na natagpuan umano sa Pilipinas at sa dalawang storage facility sa Los Angeles.
Samantala, sinabi ni Meghan noong nakaraang buwan na labis siyang nababahala sa mga alegasyon laban sa kaniyang ama. Nauna na rin umanong pinutol ng kanilang ama ang komunikasyon nito sa kaniyang mga anak dahil sa mga naunang alegasyon.
📷 AFP

