Nasa 13 katao ang nasawi habang 26 ang sugatan matapos bumangga ang isang bus sa isang truck na nakahinto sa gilid ng kalsada sa Ras Al Khaimah, United Arab Emirates, madaling araw nitong Martes, Nobyembre 24.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakahinto umano ang truck dahil sa aberya sa makina nang mangyari ang banggaan.
Kabilang sa mga nasawi ang ilang Indian national, ayon sa Indian Consulate sa Dubai.
Samantala, rumesponde sa lugar ang 16 na ambulansya at limang rescue vehicle upang tulungan ang mga biktima. Patuloy pang iniimbestigahan ng Ras Al Khaimah Police ang insidente.
📷 Abhishek Tiwari / X



