Isang pagpupugay sa Inang Bayan ang finale gown ni Bea Millan-Windorski na sumasalamin sa mayamang kultura, likas na yaman, at pambihirang ganda ng Pilipinas.
Dinisenyo ni Anthony Ramirez, hango ang kaniyang gown sa mala-kristal na puting dalampasigan ng Cebu. Tampok din dito ang mother-of-pearl, mga kabibe, corals, at pawikan na nagbibigay-pugay sa yamang-dagat ng bansa.
Inspirado naman ng araw ang disenyo na sumisimbolo sa kalayaan, katatagan, at pagkakaisa ng mga Pilipino.
📷 Bea Millan-Windorski


