Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si tennis star Alex Eala dahil nagsisilbi umano siyang inspirasyon sa mga Pilipino upang ipagmalaki ang kanilang pagkamamamayan.
Sa homecoming event ni Eala sa Pasig City nitong Martes, Nobyembre 24, sinabi ni Marcos na tulad nina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at pole vaulter EJ Obiena, ipinakikita rin ng tennis star na kayang makipagsabayan ng mga Pilipino sa larangan ng palakasan sa buong mundo.
Hinimok din si Eala na pangalagaan ang kaniyang kalusugan at iwasan ang mga injury. Binigyang-diin niyang itinuturo ng sports ang disiplina, pakikipagkaibigan at pagiging marangal sa pagkatalo.
Samantala, hinikayat ni Education Secretary Sonny Angara ang kabataan na tularan si Eala na nagtagumpay sa tennis habang tinatapos din ang kaniyang pag-aaral.
📷 AFP
