Nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na naghahanda ang Russia ng panibagong pag-atake sa Ukraine batay sa impormasyong nakalap ng kanilang intelligence.
Hinimok niya ang Estados Unidos at iba pang mga bansa na bigyang-pansin ang babala at tiyakin ang sapat na supply ng air defense systems upang maprotektahan ang mga lungsod at imprastraktura ng Ukraine.
Mula Setyembre, halos tuluy-tuloy na ang mga pag-atake ng Russia sa Kyiv at iba pang mga lungsod. Limang katao ang nasugatan sa pag-atake sa kabisera nitong Lunes, Nobyembre 23, habang 11 naman ang nasawi sa isang bayan sa karatig-rehiyon noong Linggo.
Samantala, muling iginiit ni Zelenskyy na nararapat maging miyembro ng NATO ang Ukraine at maaari pa umanong makatulong sa pagpapalakas ng alyansa. Gayunman, patuloy na tinututulan ng Russia ang posibleng pagsapi ng Ukraine sa organisasyon.
📷 Reuters

