Boluntaryong sumuko kay Manila Mayor Isko Moreno ang suspek sa pamamaril na ikinamatay ng isang 36-anyos na lalaki sa Paco, Maynila.
May-ari ng asong German Shepherd ang biktima na nasangkot sa pakikipagtalo sa suspek matapos habulin ng kaniyang aso ang dalawang bata at makagat ang isa sa mga ito.
Rumesponde ang suspek upang tulungan ang mga bata, ngunit nauwi sa suntukan ang pagtatalo nila ng biktima.
Ayon sa pulisya, tinangka umanong manaksak ng biktima kaya dalawang beses itong binaril ng suspek.
Posibleng maharap sa kasong homicide ang suspek, na maaari namang gamitin ang self-defense bilang depensa.
📷 Manila Mayor Isko Moreno | via Jim Tejano


