Nasawi ang hepe ng Bubong Municipal Police Station matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang tinutuluyang boarding house sa Kidapawan City, North Cotabato, noong Lunes ng hapon, Nobyembre 23.
Kinilala ang biktima na si Major Razul Pandulo. Batay sa paunang imbestigasyon, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang pumasok sa boarding house at pinagbabaril ang biktima bago mabilis na tumakas.
Dinala pa sa ospital si Pandulo ng kaniyang mga kasamahan, pero idineklarang dead on arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga salarin at malaman ang motibo sa pamamaril.
📷 PNP Kidapawan
via Armie Mangco



