Arestado ang siyam na indibidwal na umano’y miyembro ng “Dura-Dura Gang” sa isang buy-bust operation sa Barangay Zapote 3, Bacoor, Cavite, madaling araw ng Nobyembre 21.
Nasamsam sa mga suspek ang mahigit 33 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱226,236, mga sumpak, bala, at iba pang gamit na hinihinalang ginagamit sa kanilang modus ng pagnanakaw sa mga pampublikong jeep.
Itinanggi naman ng mga suspek ang mga paratang at nahaharap ngayon sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at baril.
📸 Bacoor CCPS



