Arestado ang isang 66-anyos na lalaki matapos tangkaing ipadala ang isang calibre .45 na pistola at 53 bala sa pamamagitan ng cargo shipment sa Zamboanga International Airport noong Nobyembre 21.
Ayon sa PNP-Aviation Security Group, nadiskubre ang baril, tatlong magazine at mga bala sa loob ng kartong may lamang mga delata habang isinasagawa ang regular na inspeksyon.
Inaresto ang lalaki dahil wala siyang maipakitang kaukulang permit at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
📸 PNP AvSec
via Ely Dumaboc



