Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang supply ng baboy sa bansa hanggang unang quarter ng 2027. Kasunod ito ng pangambang magkaroon ng kakulangan dahil sa 60-araw na import ban.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sapat ang lokal at imported na baboy para matugunan ang pangangailangan ng mga mamimili.
Ipatutupad ang import ban sa Nobyembre 26 matapos matukoy na nakapipinsala sa lokal na industriya ng baboy ang pagdami ng imported pork.
📷 DA



