Pormal nang sinimulan ng Tajikistan ang proseso ng pag-alis sa International Criminal Court (ICC), kaya ito ang ikaapat na bansang kumalas sa korte.
Kasunod ito ng mga hakbang ng Chad, Venezuela at Nauru na umalis din sa ICC matapos manawagan ang Estados Unidos noong Hulyo na kumalas ang mga bansa sa ICC. Nauna namang nag-anunsiyo ang Burkina Faso, Mali at Niger noong nakaraang taon.
Sa pahayag ng pamunuan ng ICC nitong Lunes, Nobyembre 23, nagbabala sila na maaaring pahinain ng sunod-sunod na pagkalas ng mga bansa ang pandaigdigang pagsisikap na makamit ang hustisya at wakasan ang impunity.
May isang taon na proseso ang pormal na pag-alis sa ICC. Gayunman, mananatiling obligado ang mga bansang kumalas na tuparin ang kanilang mga pananagutan sa ilalim ng kasunduan habang kasapi pa sila nito.
Ang ICC ang permanenteng pandaigdigang hukuman na naglilitis sa mga indibidwal na inaakusahan ng genocide, crimes against humanity, war crimes at crime of aggression.
📷 Reuters



