Sinibak ni US President Donald Trump ang National Cyber Director Chief na si Sean Cairncross dahil hindi umano ito kwalipikado sa posisyon, kasunod ng malalaking aberya sa mga sistema at pangamba sa banta ng artificial intelligence (AI).
Pansamantalang papalit kay Cairncross si Kirsten Davies, na kasalukuyang opisyal ng US Department of Defense.
Matatandaang nitong mga nakaraang araw, nagkaroon ng malalaking aberya sa mga sistema sa Estados Unidos na nakaapekto sa biyahe, komunikasyon at online na negosyo.
📷 Reuters

