Nagkasundo sa isang “peace declaration” ang Estados Unidos, China at Russia kasunod ng pagpupulong nina US President Donald Trump, Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin sa Shenzhen, China nitong Huwebes, Nobyembre 19.
Ayon sa pahayag na inilabas ng China at Russia, nagkasundo ang tatlong lider na isulong ang reporma sa United Nations (UN), igalang ang diplomatic immunity, at palakasin ang produksyon at suplay ng mga produktong petrolyo.
Tinalakay rin ng mga lider ang pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad, gayundin ang pagbabawas ng panganib na may kaugnayan sa mga nuclear weapon at pagpigil sa paglaganap ng mga ito.
Tumagal ng isang oras at 20 minuto ang pagpupulong na ginanap sa sidelines ng APEC Summit. Tinawag naman ni Trump na makasaysayan ang kanilang pagpupulong, habang sinabi ni Putin na nagbukas ito ng bagong pahina sa kasaysayan ng diplomasya.
📸 AFP



