Tila nagpapakitang-gilas ang isang motorista sa Montalban Highway sa Rodriguez, Rizal, matapos mag-wheelie o itaas ang unahang gulong ng motorsiklo habang umaandar sa pampublikong kalsada.
Kumakalat sa social media ang video ng mapanganib na stunt na posibleng maglagay sa panganib ng rider at iba pang motorista.
Sinisikap pang makuha ang pahayag ng Land Transportation Office (LTO) hinggil sa insidente.


