Nasawi ang dating executive assistant ni Zamboanga City Mayor Khymer Adan Olaso matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Zone 6, Bypass Road, Barangay Lunzuran, Zamboanga City, pasado alas-11 ng gabi nitong Lunes, Nobyembre 16.
Agad siyang dinala ng mga emergency responder sa isang pribadong ospital, ngunit binawian din siya ng buhay.
Narekober naman ng mga awtoridad ang tatlong basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril. Isasailalim ang mga ito sa ballistic examination upang malaman kung may kaugnayan sa iba pang kaso ng pamamaril sa lungsod.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
via Ely Dumaboc

