Inatasan ng Quezon City government ang mga internet café, bar, karaoke venue, spa at massage parlor na saklaw ng SAFE Seal Ordinance na magsara pagsapit ng hatinggabi habang ginaganap ang ASEAN Summit mula Nobyembre 15 hanggang 21.
Nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang Executive Order No. 42 para sa naturang patakaran bilang bahagi ng pinaigting na seguridad sa lungsod.
Hindi kasama sa kautusan ang mga resort, hotel at iba pang accommodation establishment. Gayunman, saklaw pa rin nito ang mga restaurant at drinking lounge sa loob ng mga naturang establisimyento.
Exempted naman ang mga fast-food chain at convenience store na bukas 24 oras.
📸 QC Government



