Nakatakdang bumiyahe si US President Donald Trump sa Asia simula Lunes, Nobyembre 16, para sa mga pag-uusap sa kalakalan at seguridad, kabilang ang kauna-unahang three-way nuclear talks kasama sina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin.
Unang pupunta si Trump sa Maynila upang makipagpulong sa mga lider ng Southeast Asian countries at lumagda sa isang trade deal kasama ang Thailand, ayon sa White House. Mula Pilipinas, tutuloy siya sa Shenzhen, China, para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Tatalakayin naman sa pulong nina Trump, Xi at Putin ang mga nuclear weapons at stockpile ng kanilang mga bansa. Hindi kabilang sa nakatakdang agenda ang digmaan ng Russia sa Ukraine, ayon sa mga opisyal ng US.



