Makakasama si US Secretary of State Marco Rubio kay US President Donald Trump sa pagdalo nito sa ASEAN Summit sa Maynila sa Nobyembre 17, ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez.
Kinumpirma rin ni Romualdez na dadalo si Rubio sa Quad Leaders’ Summit na gaganapin kasabay ng ASEAN Summit. Binubuo ang Quad ng United States, Japan, India at Australia, na nagtutulungan sa mga usapin ng seguridad sa karagatan at rehiyong Indo-Pacific.
Ikalawang pagbisita na ito ni Rubio sa Pilipinas ngayong taon. Huli siyang bumisita noong Hulyo para sa 59th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting at iba pang regional summits.
📸 Reuters



