Magsisimula sa Nobyembre 23 ang plenary budget hearings ng Senado para talakayin ang 2027 General Appropriations Bill (GAB) o panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, target nilang matapos ang pagtalakay sa loob ng lima hanggang walong araw. Plano rin ng Senado na maipasa ang bersyon nito bago ang Disyembre 17.
Layunin ng mga senador na maiwasan ang pagkaantala sa pagpapatibay ng pambansang budget, matapos na maaprubahan lamang ang 2026 budget noong Disyembre 29 ng nakaraang taon.
Dahil walang sesyon sa Nobyembre 30 bilang paggunita sa Bonifacio Day, inaasahang magtatrabaho ang mga senador sa Disyembre 2, kasabay ng Pasay Day, upang maabot ang target na schedule.
📸 Senate of the Philippines



