Nanawagan ang 1Sambayan coalition sa bagong BIR Commissioner na si Rolando Ligon Jr. na kumilos bago ang Disyembre 2 upang matiyak na makokolekta ng gobyerno ang tinatayang ₱203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos.
Ayon sa 1Sambayan, limang taon na mula nang magpadala ang BIR ng written demand sa mga tagapagmana ni Marcos noong Disyembre 2, 2021. Kailangan umano ng ahensya na magpadala ng panibagong demand upang matiyak ang paniningil ng buwis.
Sa ulat, noong 1991, ₱23.29 bilyon ang estate tax na ipinataw sa estate ni Marcos Sr. Ngunit dahil sa naipong interes at multa, umabot na ito sa halos ₱203 bilyon noong Disyembre 2021.
Binigyang-diin ng grupo na dapat makolekta ang buwis dahil pera ito ng taumbayan. Mahalaga rin umanong matiyak ang pantay na pagpapatupad ng batas dahil kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga tagapagmana at co-administrator ng estate.
📷 Bongbong Marcos



