Kinilala ang P-pop girl group na BINI bilang Favorite Global Music Star sa 2026 Nickelodeon Kids’ Choice Awards na ginanap sa United States noong Nobyembre 14 (Nobyembre 15, PH time).
Tinalo ng BINI ang iba pang nominado, kabilang sina Taylor Swift, Tyla, Karol G at Zara Larsson. Sila rin ang kauna-unahang Filipino, Southeast Asian at non-Korean act na nanalo sa naturang kategorya.
Tumanggap din ang grupo ng Most Influential Southeast Asian Artiste–Female award sa 2nd Jupiter Music Awards sa Vietnam nitong weekend.
📸 BINI_ph / IG



