Steering problem ang naging sanhi ng pagbangga ng isang tanker sa isang nakadaong na cruise boat sa Mississippi River sa New Orleans, ayon sa US National Transportation Safety Board (NTSB).
Ayon sa imbestigasyon, naipit sa isang posisyon ang rudder o bahagi ng barkong kumokontrol sa direksiyon nito. Dahil dito, lumihis ang tanker patungo sa pampang at nabangga ang cruise boat na may sakay na 190 katao. Tumaob ang cruise boat sa ilog, pero walang nasawi sa insidente.
Patuloy pang iniimbestigahan ng NTSB ang sanhi ng steering problem at kung nagamit ang mga angkla ng tanker bago ang banggaan.



