Pansamantalang suspendido ang bentahan ng ₱20 kada kilong bigas sa lahat ng ₱20 Centers sa Metro Manila mula Nobyembre 16 hanggang 18 dahil sa paghahanda para sa ASEAN Summit.
Magbabalik ang bentahan sa Nobyembre 19, Huwebes.
Sa ilalim ng programang “Benteng Bigas, Meron Na!”, nakatatanggap ng subsidized rice ang mga senior citizen, PWD, solo parent, minimum wage earner, public transport worker, mahihirap na pamilya, at rehistradong magsasaka at mangingisda.
Layunin ng programa na makapagbigay ng mas murang bigas sa mga sektor na nangangailangan.
📸 Department of Agriculture



