Aabot ng 20 hanggang 25 araw matapos ang huling pagdinig ng depensa bago maglabas ng desisyon ang Senate impeachment court sa kaso ni Vice President Sara Duterte, ayon sa tagapagsalita ng korte.
Gagamitin ang panahong ito para magsumite at magsuri ng mga dokumento ang magkabilang panig bago magpasya ang mga senator-judge kung hahatulan o iaabsuwelto ang bise presidente.
Isa na lamang ang natitirang alegasyon laban kay Duterte — ang umano’y pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman at hindi idineklarang ari-arian sa kanyang SALN.
📸 Reuters



