Hinuli ang isang lalaki dahil sa pagbebenta umano ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Bamban Municipal Police Station sa Tarlac.
Narekober sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 0.60 gramo. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng pulisya habang dinala sa Crime Laboratory ang mga nakumpiskang ebidensya para sa pagsusuri.
via Ismael Mateo



