Nagpakita ng minor Strombolian activity ang Bulkang Mayon sa Albay nitong Miyerkules, Nobyembre 11, na nagbuga ng plume na umabot sa 500 metro mula sa bunganga ng bulkan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan dahil sa patuloy na pag-aalboroto nito dulot ng magmatic activity. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone at pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa bulkan.

