Tinanong ni Sen. Pia Cayetano ang prosekusyon kung kailangan bang isantabi ng isang magulang ang pagtulong sa anak dahil lamang isa siyang public official.
Ayon kay Cayetano, hindi dapat agad ituring na living beyond their means o maluho ang isang opisyal dahil sa pagbili ng mga gamit para sa anak na atleta, lalo na't kailangan ng mga atleta ang suporta ng kanilang mga magulang.


