Nakakuha ng autograph mula sa Hollywood actress na si Angelina Jolie ang Filipino flight attendant na si Ken Ortega matapos maging pasahero ang aktres sa isang flight.
Ibinahagi ni Ortega sa Instagram ang larawan ng pirma ni Jolie sa kaniyang cellphone case. Kuwento niya, nagkaroon sila ng maikling pag-uusap kung saan nabanggit niya ang ilan sa mga pelikulang napanood niya, kabilang ang "Tomb Raider", "Salt" at "Maleficent". Ibinahagi rin niya na maganda at mabait ang aktres sa personal.

