Magiging bahagi ang international theater star na si Lea Salonga sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit na gaganapin sa Maynila sa Nobyembre 11.
Kasama si Lea Salonga sa session na “In Unison: Amplifying Every Voice in ASEAN,” kung saan makakasama niya ang anchor na si Rico Hizon. Tatalakayin nila ang papel ng kultura at pagkamalikhain sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad at kabuhayan para sa mga artist sa Southeast Asia.
Bukod sa talakayan, tampok din sa session ang musika at pagbabahagi ng mga pananaw tungkol sa creative industry sa rehiyon.
Layunin ng summit na pagsama-samahin ang mga kinatawan mula sa negosyo, pamahalaan, civil society at philanthropic organizations upang pag-usapan ang mga hakbang tungo sa mas inklusibong paglago ng ekonomiya sa ASEAN.

