Muling magtatanghal sa Pilipinas ang South Korean singer na si IU para sa 2-night concert sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan sa Enero 30 at 31, 2027.
Kinumpirma ito ng concert promoter na Pulp Live bilang bahagi ng world tour ni IU. Wala pang inilalabas na detalye tungkol sa presyo at bentahan ng tickets.
Huling bumisita sa Pilipinas si IU noong 2024 para sa “HEREH” World Tour na ginanap sa Philippine Arena.
📷 IU



