Pansamantalang ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang pag-freeze sa mga bank account, ari-arian, at iba pang pag-aari ni dating Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi.
Batay sa ulat, umabot sa ₱434.85 milyon ang kabuuang halaga ng 243 cash deposit sa mga account ni Cusi mula 2016 hanggang 2022.
Pinakamalaki ang mga deposito noong 2017 na umabot sa ₱170.32 milyon at noong 2022 na nasa ₱195.25 milyon.
Ayon sa CA, may sapat na batayan upang i-freeze ang mga naturang pag-aari habang iniimbestigahan ang posibleng kaugnayan ng mga ito sa umano’y katiwalian at plunder na may kinalaman sa mga kontrata para sa solar energy projects.



