Kinuwestiyon ni Senador Imee Marcos kung bakit tila hindi nakonsulta ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa umano’y kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos na kukunin sa US ang lahat ng pangangailangan ng bansa para sa produktong agrikultura at enerhiya simula Enero 1, 2027.
Ayon kay Marcos, maaaring makaapekto ito sa kalakalan ng Pilipinas at sa pagpili ng iba pang bansang pagkukunan ng mga produkto.
Nilinaw naman ng Malacañang na wala pang pinal na kasunduan at pinag-aaralan pa ng mga kinauukulang ahensya ang mga detalye nito. Tiniyak din ng Palasyo na hindi susuportahan ng pamahalaan ang anumang kasunduang makasasama sa interes ng bansa.
📷 PCO



