Pagtutulungan at malasakit ang mensaheng ibinahagi ni Bea Millan-Windorski nang tanungin kung ano ang higit na kailangan ng mundo mula sa mga lider nito sa Miss Universe 2026 final question.
Binigyang-halimbawa ni Bea ang mga pawikan na nagtutulungan upang makalabas sa pugad at makarating sa dagat. Aniya, sa loob ng 10 taon niyang pagbo-volunteer kasama ang mga pawikan, nakita niya kung paano nananatili ang pinakamalalakas na hatchling upang tulungan ang kanilang mas mahihinang kapatid.
“As someone who has been an environmentalist my whole life, I wish that our world leaders would listen to nature and realize that we have much to learn. I volunteered with sea turtles for the past 10 years and while we’ve often heard of crab mentality or tearing one another down, turtle mentality is the opposite. The strongest sea turtle hatchlings actually stay behind in the nest to help their weaker brothers and sisters out and into the sea. I wish that our world leaders would embrace the same mentality and realize that when one rises, we all rise,” pahayag ni Bea.
Para kay Bea, panahon na upang pairalin din ng mga lider ang ganitong diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan.


