Patay ang isang 15-anyos na Grade 10 student matapos saksakin ng kapwa menor de edad sa Barangay Dos, Calamba City, Laguna, noong Nobyembre 18.
Dead on arrival sa ospital ang biktima matapos magtamo ng mga saksak sa likod at dibdib.
Ayon sa pulisya, nag-ugat umano sa asaran at pagtatalo ang insidente. Kinasuhan na ng homicide ang suspek na nasa pangangalaga na ng DSWD bilang Child in Conflict with the Law o CICL.
Kasama rin sa kaso ang ama ng suspek na patuloy na hinahanap ng mga awtoridad.
via Jim Tejano


