Idineklara ang state of calamity sa bayan ng Catanauan, Quezon dahil sa pinsalang dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Mayor Ramon Orfanel, inaprubahan ng municipal council ang deklarasyon matapos umabot sa tinatayang ₱147 milyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa matagal na tagtuyot.
Pinakamalaki ang naitalang pagkalugi sa industriya ng niyog na tinatayang nasa ₱95 milyon, isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente.
📷 Mayor Ramon Orfanel



