Nangunguna ang Land Transportation Office (LTO) sa mga ahensyang gobyerno na may pinakamaraming reklamo mula sa publiko, ayon sa Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Batay sa datos ng ARTA, umabot sa 1,483 ang reklamo laban sa LTO mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon. Kabilang sa mga madalas ireklamo ang online driver's license portal, pagpaparehistro ng sasakyan, at pag-release ng OR/CR.
Pumangalawa naman ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na may 678 reklamo, habang pumangatlo ang Food and Drug Administration (FDA) na may 580.
📷 LTO



