Nagsagawa ang Department of Transportation (DOTr), Philippine Coast Guard (PCG), at iba pang katuwang na ahensya ng libreng sakay nitong Lunes, Nobyembre 23, upang matulungan ang mga commuter sa gitna ng dalawang araw na transport strike hanggang ngayong Martes, Nobyembre 24.
Saklaw ng libreng sakay ang mga rutang Quiapo-Cubao, Quiapo-Doña Carmen, Quiapo-Fairview, Taft (Buendia)-Alabang, at Commonwealth-Cubao sa pamamagitan ng East Avenue at V. Luna.
Available ang serbisyo mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.
📷 PCG


