Nilinaw ni Senator-Judge Imee Marcos ang posibleng dahilan kung bakit hindi nakapag-avail ng income tax holiday ang CALE88 Foods Corporation sa kabila ng pagpaparehistro nito sa Board of Investments (BOI).
Ipinaliwanag ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo na posibleng dahil ito sa pagkalugi ng kumpanya.
Binanggit naman ni Sen. Marcos ang epekto ng Panama disease sa mga taniman ng saging sa Davao Region, na naging dahilan din ng pagkalugi ng ilang negosyante.


